Suplay ng isda na pang-sardinas sapat, ayon sa DA

DA PHOTO

Tiniyak ng Department of Agriculture (DA)  na sapat ang suplay ng isdang tamban, ang ginagamit sa paggawa ng sardinas, sa bansa.

Base ito sa datos ng Philippine Statistics Authority (PSA) at Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR).

Nasa 222.58 porsiyento ang suplay ng tamban sa unang tatlong buwan ng taon at tumaas pa ito sa 409.06 porsiyento sa pagtatapos ng kalahati ng 2022.

Ngayon buong taon 293,431 metriko tonelada ang suplay ng tamban, na sobra para upang matugunan ang kinakailangan na 101,367 metriko tonelada.

Dagdag pa ng DA, gumanda ang klase ng tamban sa bansa base sa ulat ng National Stock Assessment Progra ng National Fisheries Research and Development Institute.

Ayon pa din sa kagawaran, gumanda ang suplay ng tamban dahil sa pagpapatupad ng 5-year National Sardine Management Plan.

Read more...