Gabi-gabing press briefings ni Duterte, ihihinto na mula ngayong araw

DuterteHindi na haharap sa press briefings si incoming President Rodrigo Durter simula ngayong gabi.

Ayon sa executive assistant ni Duterte na si Bong Go, puputulin na nila ang gabi-gabing pagpapatawag nila ng press briefing na minsan ay inaabot pa nga hatinggabi o madaling araw.

Sinabi ni Go, sa halip na humarap si Duterte sa media, lahat ng kaniyang statements ay idadaan na lamang sa PTV4.

Ito ay upang maiwasan aniya ang mga “misinterpretations” o maling pag-unawa sa mga sinasabi ni DUterte.

Mismong si Duterte aniya ang nagsabi na “wala na lamang munang presscon para walang mali”.

 

 

Read more...