P15.6M halaga ng marijuana nakumpiska sa Kalinga

Nahuli ng pulisya ang isang hinihinalang high-value target (HVT) na nakumpiskahan ng tinatayang P15.6 milyong halaga ng marijuana sa Tabuk City, Kalinga.

Nahuli sa pamamagitan ng checkpoint ang 31-anyos na si Jerry Salang-oy Alunday, alyas Wayaway.

Nadiskubre sa kanyang van ang 126 bricks at apat na tubular marijuana na may timbang na 130,000 gramo.

Ayon kay PNP Chief Rodolfo Azurin Jr., masasabing sangkot sa large-scale drug trafficking si Alunday base sa dami ng marijuana na nakumpiska sa kanya.

Ikinasa ang checkpoint base sa impormasyon na may isang puting van ang may karga na mga droga na papasok sa lungsod mula sa bayan ng Tinglayan.

Read more...