Inflation sa buwan ng Agosto, bumagal

File Photo

Bumagal ang inflation o ang pagtaas ng presyo ng mga bilihin sa bansa sa buwan ng Agosto.

Ayon sa Philippine Statistics Authority, nasa 6.3 percent lamang ang inflation noong Agosto kumpara sa 6.4 percent na naitala noong Hulyo.

Dahil ditto, sinabi ng PSA na naputol ang limang buwang uptrend ng inflation.

Sinabi pa ng PSA na ang mabagal na paggalaw ng presyo sa transport ang dahilan kung kaya bumagal ang inflation noong Agosto.

Bukod sa transport, bumagal rin ang paggalaw ng food at non-alcoholic beverages pati na ang gulay, karne at isda.

 

Read more...