Ibinilang ni Senator Robin Padilla ang boses sa mga tutol na maipagpaliban muli ang papalapit na Barangay at Sangguniang Kabataan elections.
Katuwiran ni Padilla, ang gusto niyang mangyari ay palakasin ang boses ng mga mamamayan.
Ibinahagi pa ni Padilla sa organizational meeting ng pinamumunuan niyang Senate Committee on Constitutional Amendments and Revision of Codes, na maging ang kanilang partidong PDP-Laban ay nais na matuloy ang eleksyon.
Nakatakda ang Barangay at SK elections sa darating na Disyembre 5.
“Kami talaga sa PDP-Laban, kami talaga ang gusto namin ma-empower talaga, ang yung mga nasa baba. Kaya kami gusto naming ma-decentralize ang power talaga. kasi sobra po talaga ang binigay nating power ” banggit ng baguhang senador.
Ang Commission on Elections (Comelec) ay nagsabi na handa na sila para sa nalalapit na pangalawang eleksyon sa taong 2022.