Wala pang 10 minuto nang aprubahan ng House Committee on Appropriations ang hininging P9 bilyong budget ng tanggapan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. para sa susunod na taon.
Dumalo sa budget hearing si Executive Secretary Victor Rodriguez at nagkaroon lamang ng ilang katanungan ang oposisyon.
Pagtitiyak ni Rodriguez na sa nakuhang halos 32 milyong boto ni Pangulong Marcos Jr., ang kapakanan at interes ng bansa at mamamayan ang kanilang isusulong.
Sinabi ni House Majority Leader Mannix Dalipe na ang mabilis na pag-apruba sa budget ng Office of the President ay pagbibigay ng ‘parliamentary courtesy’ sa isang ‘co-equal branch in government.’
Mas mataas ng P1 bilyon ang hininging pondo ng Office of the President kumpara sa hiningi para sa huling termino ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Tiniyak naman ng Makabayan bloc na uusisain nila sa plenaryo ang confidential at intelligence funds na inilaan sa tanggapan ng Punong Ehekutibo.