Heavy rainfall warning, nakataas sa Metro Manila at ilang probinsya

Naglabas ang PAGASA ng heavy rainfall warning sa Metro Manila at ilang lalawigan sa Luzon.

Sa abiso bandang 1:15, Biyernes ng hapon, dulot ito ng trough ng Typhoon Henry at Southwest Monsoon o Habagat.

Nakataas ang orange warning sa Zambales at Bataan.

Yellow warning naman ang nakataas sa Metro Manila, Pampanga, Bulacan, Cavite, at Rizal. Sinabi ng PAGASA na posibleng makaranas ng pagbaha sa mga flood-prone area.

Samantala, asahan naman ang mahina hanggang katamtaman na kung minsan ay mabigat na buhos ng ulan sa Nueva Ecija, Laguna, Batangas at Quezon sa susunod na tatlong oras.

Pinayuhan ang publiko at Disaster Risk Reduction and Management Offices na maging alerto at antabayanan ang lagay ng panahon.

Read more...