Flights patungong Batanes, kanselado sa Sept. 2

MIAA photo

Kinansela ang ilang flight sa araw ng Biyernes, Setyembre 2.

Ayon sa Manila International Airport Authority (MIAA), bunsod ito ng nararanasang masamang panahon dahil sa Typhoon Henry.

Narito ang mga kanseladong biyahe:
PAL Express (2P)
2P 2932 Manila-Basco
2P 2933 Basco-Manila

Base sa update ng PAGASA bandang 11:00, Biyernes ng umaga, nakataas na ang Batanes sa Signal no. 2.

Nasa Signal no. 1 naman ang Babuyan Islands at ang northeastern portion ng mainland Cagayan (Santa Ana).

Read more...