Tinitingnan na ni Pangulong Marcos Jr., na madagdagan ang bilang ng Filipino nurses na maaring makapag-trabaho sa ibang bansa.
Sa ngayon, 7,500 ang limitasyon sa bilang ng Filipino nurses na maaring makapag-abroad kada taon.
Pagtitiyak naman niya na sasabayan ito nang pagpapaganda ng working conditions ng nurses sa bansa.
“As we work hard to improve the state of our health care system at home let us join hands to maintain our country’s position as the gold standard when it comes to providing health care workers to hospitals and health facilities globally. We will open more slots to the deployment of nurses abroad while striving to improve opportunities domestically,” ang pahayag ni Pangulong Marcos Jr., sa pagdiriwang ng 65th Nurses Week sa Manila Hotel.
Dagdag pa nito, tiwala siya na magagawa na mapagbuti ang kapakanan ng Filipino nurses kasabay nang patuloy na pagkilala sa kakayahan at kahusayan sa buong mundo.