Japanese national lumipad mula 48th floor, bumagsak sa 6th floor

Naputol ang dalawang paa at sumabog ang ulo ng isang Japanese national matapos umano itong magpakamatay sa isang condominium building sa Makati City kaninang madaling araw.

Kinilala ang biktima na isang Takaoka Shigeo, ng Unit 3125 ng Beacon Tower 2 sa Barangay Pio del Pilar sa naturang lungsod.

Nadiskubre ang kanyang lasog-lasog na katawan ala-1:20 ng madaling araw nang dalawang maintenance crew ng naturang gusali sa swimming pool area sa 6th floor.

Base sa CCTV footages huling nakitang buhay si Shigeo sa rooftop o 48th floor, kung saan nadiskubre din ang kanyang cellphone na isinilid niya sa plant box.

Hinihinala na naputol ang mga paa ni Shigeo nang lumusot ito sa nabasag na glass canopy.

Inaalam pa rin kung may ‘foul play’ sa insidente o nagpakamatay ang banyaga.

Read more...