Kasunod ito ng pahayag ni Duterte na hindi niya kailangan ng media at wala siyang pakialam kung i-boykot man siya ng mga mamamahayag na sumusubaybay sa kaniya dahil sa mga pahayag niya laban sa mga media.
Ayon kay Communications Sec. Sonny Coloma, bawat pangulo ay may personal na estilo sa pakikitungo sa media.
Sinabi ni Coloma na dahil sa mahalagang papel ng mass media sa paghahatid ng impormasyon sa madla, mainam na maging maayos ang pakikipag-ugnayan ng pangulo sa mga miyembro ng press.
Una nang hinamon ng grupong Reporters Without Borders ang mga nagko-cover kay duterte na i-boykot ang mga press briefing nito dahil sa negatibo nitong pahayag sa media killings at corruption sa bansa.
Sagot naman ni Duterte, OK lang sa kaniya kahit iboykot pa siya ng reporters, dahil may magcocover naman sa kaniyang state media.