4,000 security personnel itatalaga sa victory party para kay Duterte bukas

miting de avance duterteMagtatalaga ng apat na libong tauhan ang Philippine National Police (PNP) para sa gaganaping “DU31” thanksgiving party bukas para kay President-elect Rodrigo Duterte.

Isasagawa ang nasabing party sa Crocodile Farm in Davao City, bukas, June 4.

Ayon kay PNP Region 11 Director Manuel Gaerlan simula alas 8:00 pa lamang ng gabi mamaya (Biyernes) hanggang alas 6:00 ng umaga bukas, Sabado ay sarado na muna sa operasyon ang crocodile farm para sa paghahanda.

Bukas ng umaga, sisimulan na rin ang 24-shift ng mga pulis para magbantay sa paligid ng farm.

Magsisimula ang victory party ala 1:00 ng hapon bukas at inaasahang magtatapos ng ala 1:00 ng madaling araw sa Linggo.

Ayon kay Gaerlan, para matiyak ang seguridad sa lugar, ang mga dadalo sa party ay sasailaim sa mahigpit na inspeksyon bago makapasok sa venue.

 

 

Read more...