Ayon sa PAGASA, huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 1,080 kilometers Silangan ng extreme Northern Luzon.
Taglay pa rin nito ang lakas ng hanging aabot sa 55 kilometers per hour malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 70 kilometers per hour.
Kumikilos ang bagyo sa bilis na 10 kilometers per hour sa direksyong pa-Hilaga.
Sinabi ng PAGASA na hindi pa rin direktang nakakaapekto ang bagyo sa bansa kung kaya’t walang nakataas na tropical cyclone wind signal sa anumang parte ng bansa.
Base sa track outlook ng weather bureau, patuloy na tatahakin ng bagyo ang direksyong pa-Hilaga o Hilaga Hilagang-Kanluran.
Posible ring humina ang bagyo sa Miyerkules ng gabi o Huwebes ng madaling-araw dahil malilimitahan ng Super Typhoon Hinnamnor ang sirkulasyon nito.