Vacation pay ibibigay ng DepEd sa mga public school teachers

Tatanggap ang mga pampublikong guro ng Proportional Vacation Pay (PVP) katumbas ng 61 araw ng pagta-trabaho kung patuloy silang nagbigay serbisyo mula noong nakaraang Setyembre hanggang nitong Hunyo para sa School Year 2021 – 2022.

Ito ang inanunsiyo ng Department of Education (DepEd).

Nakapaloob sa DepEd Memorandum No. 77 series of 2022 ang komputasyon ng PVP ng mga guro na nagtuturo sa elementary at high school.

Ang memorandum ay may petsa na Agosto 30 at pirmado ni DepEd Chief of Staff Epimaco Densing III.

Ipinaliwanag na ang tinutukoy na PVP ay ang kompensasyon ng mga guro tuwing school breaks at Christmas vacation at ito ay base sa bilang ng mga araw na kanilang ipinasok sa buong school year.

Read more...