Ito ay matapos magpalabas ng temporary restraining order ang Supreme Court sa no contact apprehension program.
Ayon kay MMDA spokesman Cris Saruca, partikular na dadagdagan ng traffic enforcers ang kahabaan ng EDSA, C5 Road, Commonwealth Avenue, Quezon Avenue, Roxas Boulevard, at Macapagal Boulevard.
Ayon kay Saruca, ang mga nabanggit na lugar ang may mga nakakabit na CCTV at ipinatutupad ang NCAP.
Base sa talaan ng MMDA, pumalo sa mahigit 107,000 violations ang naitala mula Enero hanggang Agosto 2022 mula ng ipatupad ang NCAP.
MOST READ
LATEST STORIES