Ayon pa sa ahensiya, maaring lumakas sa tropical storm ang bagyong Gardo sa susunod na 12 oras .
Maari din na humina ito ngayon hapon dahil malilimitahan ng Hinnamnor ang sirkulasyon nito.
Inaasahan din na hindi maapektuhan ng bagyong Gardo ang kondisyon sa bansa matapos na rin itong maging tropical depression kahapon ng hapon.
Huli itong namataan sa distansiyang 1,130 kilometro silangan ng extreme northern Luzon taglay ang lakas ng hangin na aabot sa 55 kilometro kada oras malapit sa gitna at bugso na aabot naman sa 70 kilometro kada oras.
Tinatahak nito ang direksyon pa-hilaga o hilaga-kanluran.
MOST READ
LATEST STORIES