Sa nagdaang Araw ng mga Bayani, kinilala ni Senator Alan Peter Cayetano ang tinagurian niyang 10 Makabagong Bayani.
Binigyan ni Cayetano ng tig-P10,000 ang 10 sa pamamagitan ng kanyang Sampung Libong Pag-Asa program.
“Meron po tayong 10 sa ating mga kababayan na maituturing na mga bayani. Hindi po sila ‘yung nasa history books, makikita sa TV o mababasa sa dyaryo, kundi sa pang araw-araw na gawain,” ani Cayetano.
Ayon pa kay Cayetano ang 10 ang nagsisilbing inspirasyon sa kanya para isulong ang Sampung Libong Pag-Asa program.
Ang 10 benipesaryo ay sina; Josephine Lagarde (Red Cross volunteer), Jomar Rodolfo (traffic enforcer), Jayar Diosaban (construction worker), Enrico Bañu (Ark Riders officer), at Marlo Urrutia (basketball coach), pawang mga taga-Valenzuela City.
At limang iba pa ay pawang residente naman ng Maynila at ito ay sina sina Arlyn Cruz (carinderia helper), Leonora Novida (dating OFW), Jimson Tapang (volunteer firefighter), Ria Maderazo (TODA member), at Albert Punzalan (messenger).
“Let’s also honor our modern-day heroes tulad ng mga OFWs, mga front-liners, at yung mga nagbuwis ng kanilang buhay para siguraduhin na may safe and comfortable tayo na buhay. Let’s make this day meaningful because we really need heroes and we need to do our part,” wika pa ng senador.