Hungry mentality dapat pairalin ng Warrios sa game 1 ng NBA Finals

Twitter Photo / NBA TV
Twitter Photo / NBA TV

Hiniling ni Stephen Curry sa kaniyang teammates sa Golden State Warriors na pailarin ang pagkakaroon ng “hungry mentality” sa inaabangang game 1 ng NBA Finals kung saan muli nilang makakaharap ang Cleveland Cavaliers.

Ayon kay Curry, dapat ipamalas ng Warriors sa finals ang kanilang naging performance na nakatulong sa kanila para makaahon sa 3-1 deficit sa Western Conference Finals kontra Oklahoma City Thunder.

Sinabi ni Curry na malaking hamon sa kanila ang makaharap muli ang Cleveland lalo pa at makakasama na ni LeBron James sina Kevin Love at Kyrie Irving.

Para sa two-time MVP, nakatulong ng malaki ang pinagdaanan nilang hirap sa Western Conference Finals para lalong lumakas ang loob ng koponan.

Mamayang alas 9:00 ng umaga magsisimula ang game 1 ng NBA finals.

Rematch na maituturing ito sa pagitan ng dalawang koponan, dahil sila rin ang nagharap noong 2015 NBA finals kung saan nagwagi ang Warriors.

 

 

Read more...