Jet ng U.S. Navy at jet ng U.S. Air Force magkasunod na nag-crash sa Tennessee at Colorado

Blue Angeles US Navy/ File Photo
Blue Angeles US Navy/ File Photo

Magkasunod na bumagsak ang isang jet ng U.S Navy na Blue Angels squadron at ang Air Force Thunderbirds F-16 sa magkahiwalay na insidente na naganap sa Tennessee at Colorado.

Nasawi ang piloto ng jet ng U.S. Navy matapos itong mag-crash habang nagsasagawa ng pagsasanay ang Blue Angels squadron para sa show na gaganapin sa darating na weekend.

Bago ang nasabing jet crash sa Tennesee, bumagsak din ang jet ng U.S. Air Force na F-16 sa Colorado Springs.

Ligtas naman ang piloto ng nasabing jet ng Air Force matapos siyang makapag “eject”.

Bago ang pagbagsak ng jet, ginamit ito para sa U.S. Air Force Academy commencement ceremony na dinaluhan ni President Barack Obama.

 

 

Read more...