Dalawang carnappers patay sa engkwentro sa Quezon City

crime-scene1Patay ang dalawang hinihilang carnappers ang napatay matapos maka-engkwentro ang mga tauhan ng Quezon City Police District (QCPD).

Pinara sa checkpoint ang mga suspek na sakay ng motorsiklo pero sa halip na tumigil, amtras ang mga ito at nagmamadaling umalis, hinabol naman sila ng mga pulis at pagsapit sa Biak na Bato ay nagkapalitan na ng putok.

Tumagal ng dalawang hanggang tatlong minuto ang palitan ng putok at umabot sa labing limang basyo ng bala ng baril ang narecover sa lugar.

Hindi pa nakikilala ang mga nasawing suspek dahil walang nakuhang ID sa kanila.

Natuklasan naman na isa sa biktima ng dalawang carnapper ang pulis na nakatalaga sa station 4 ng QCPD dahil ang nawawalang motorsiklo nito ay nakitang gamit ng mga suspek.

 

 

 

Read more...