(Photo courtesy: DSWD)
Nasa 90,000 na beneficiaries ang target na mabigyan ng educational cash aid ng Department of Social Welfare and Development ngayong araw.
Ayon kay DSWD spokesman Assistant Secretary Rommel Lopez, masa 200 na payout centers ang itinayo sa ibat-ibang bahagi ng bansa.
Ito na ang ikalawang Sabado ng pamamahagi ng ayuda ng DSWD sa mga indigent na estudyante.
Sa ngayon, sinabi ni Lopez na maayos naman ang pamamahagi ng ayuda hindi gaya noong unang Sabado na dinumog at nagkagulo.
Ipinagbawal na rin ng DSWD ang walk-in.
Nasa P1,000 ang ayudang makukuha ng mga estudyante na nasa elementary, P2,000 sa junior high school, P3,000 sa senior high school at P4,000 sa kolehiyo.
Hanggang tatlong estudyante lamang kada pamilya ang matatanggap na ayuda.
Nasa P1.5 bilyon ang nakalaang ayuda sa mga mahihirap na estudyante.