(Courtesy: PCG)
Tinapos na ng Philippine Coast Guard ang search and rescue operations sa dalawang pasahero ng MV Asia Philippines na una nang nasunog sa karagatan ng Batangas Anchorage area.
Ayon sa PCG, ligtas na kasi ang lahat ng 85 na pasahero at crew ng nasunog na barko.
Paliwanag pa ng PCG, ang dalawang pasahero na una nang naiulat na nawawala ay sumakay sa ibang barko at umalis sa Batangas port ng 5:00 ng hapon at hindi ang barko na umalis ng 3:00 ng hapon na nasunog.
Wala namang nakita ang PCG na traces o bakas ng oil spill o oil sheens.
Kasabay nito, sinuspendi na ng Marina ang Passenger Ship Safety Certificate ng MV Asia Philippines.
MOST READ
LATEST STORIES