Pagtutok ng mga negosyante sa digitalization sa bansa, ikinalugod ni PBBM

Photo credit: Office of the President

Ikinalugod ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. ang pagtutok ng mga negosyante sa digitalization sa bansa.

Ginawa ng Pangulo ang pahayag sa launching ng Micro, Small, Medium Enterprises o MSME Summit sa Manila Hotel na inorganisa ng Go Negosyo.

“I’m pleased that the focus of the MSME Summit are post-pandemic recovery and the promotion of digitalization are aligned with the priorities of the administration for we have a common view of our shared future, the future that we as Filipinos will share together,” pahayag ng Pangulo.

Sa ganitong paraan aniya, mapapadali ang pagbangon ng ekonomiya ng bansa.

“So I express my support for the MSME Development Council led by the DTI as it formulates and implements strategic goals to improve five key business areas, namely: our business climate; the access to finance; management and labor; access to technology and innovation; and of course, access to market,” dagdag ng Pangulo.

“This multidimensional approach will allow us to breathe new life into our MSMEs and help them move forward to a more resilient and prosperous future,” pahayag ng Pangulo.

Magkatugma aniya ang pananaw ng pamahalaan at ng pribadong sekto sa paglalatag ng magandang kinabukasan sa bawat Filipino.

Magbubukas din aniya ito ng bagong istratihiya at oportunidad sa mga maliliit na negosyante.

Read more...