Umaasa si Poe na ang hybrid work arrangement ay magiging daan upang mas maging ‘flexible’ ang mga empleyado sa kanilang pagtatrabaho para sila ay mas maging produktibo at mapasigla pa nang husto ang ekonomiya ng bansa.
Naniniwala ang senadora na patungo na ang Pilipinas sa ‘modern working world’ na sa kanyang palagay ay magreresulta sa mga benepisyo higit pa sa gastos.
Paliwanag nito, sa kabawasan sa pagbiyahe ay nakakatipid sa pera, oras at enerhiya.
At para suportahan ang kanyang posisyon, binanggit ni Poe ang kautusan ng Civil Service Commission na tangkilikin kung maari ng mga ahensiya ng gobyerno ang ‘flexible work arrangements.’