Dating NPA, bagong undersecretary ng DOLE

 

Inquirer file photo

Pinangalanan ni President-elect Rodrigo Duterte ang ilan pa sa mga magiging kasapi ng kaniyang Gabinete sa isang press conference, Huwebes ng gabi.

Itinalaga na niya bilang bagong undersecretary ng Department of Labor and Employment (DOLE) si dating Anakpawis Rep. Joel Maglungsod, na dati ring kasapi ng rebeldeng New People’s Army.

Samantala, ang TV5 Aksyon reporter naman na si Martin Andanar ang gagawin niyang pinuno ng Presidential Communications Operations Office.

Ang bago namang magiging hepe ng Land Transportation Office ay si Gen. Edgar Galvante, habang gagawin niyang undersecretary for civil veterans and retirees ng Department of National Defense si Ed del Rosario.

Hindi naman mawawalan ng pwesto sa kaniyang Gabinete ang kaniyang kasalukuyang chief aide na si Christopher “Bong” Go, dahil itinalaga niya ito bilang special assistant to the president at bilang pinuno ng Presidential Management Staff.

Read more...