Peace talks, ipagpapatuloy sa Norway sa Nobyembre

 

Inquirer file photo

Sa Nobyembre na ipagpapatuloy ng panig ng gobyerno at National Democratic Front ang peace talks sa Oslo, Norway.

Ang naturang pagpupulong ay isasagawa sa ibayong dagat upang hindi ito madiskaril ng mga grupong hindi nais na ito ay matuloy.

Ayon kay Jose Maria Sison na founding chair ng CPP sa panayam ng Inquirer, kung dito gagawin ang peace talks, malalagay sa matinding pressure mula sa militar at pulis ang mga lalahok na miyembro n NDF.

Bagamat may petsa na, hindi pa naman napagdedesisyunan ang venue na gagamitin para sa pagpapatuloy ng usapang pangkapayapaan sa panig ng mga rebelde at gobyerno.

Samantala, hindi naman naniniwala ang grupo ng NDFP na magiging ‘make or break’ issue ang paglilibing sa mga labi ni dating Pangulong Ferdinand Marcos sa peace talks.

Mula sa Hong Kong, sinabi ni NDF Peace Panel spokesperson Fidel Agcaoili, na kung siya ang tatanungin dapat ilibing si Marcos sa kanyang bayan sa Ilocos at hindi sa Libingan ng mga Bayani.

Maliit na isyu aniya ang paglilibing sa dating diktador kung ikukumpara sa 100 milyong mabibigyan ng kapayapaan sakaling maisulong ang peace talks.

Gayunman, kung ito aniya ay iuutos ni incoming President Rodrigo Duterte, ay kanilav itong irerespeto.

Read more...