Nakakaapekto ang Southwest Monsoon o Habagat sa Kanlurang bahagi ng Hilagang Luzon.
Ayon kay PAGASA Weather Specialist Raymond Ordinario, mahina lamang ang pag-iral ng Habagat.
Dahil dito, asahan aniyang makararanas ng maaliwalas na panahon ang buong bansa.
Wala rin aniyang nakataas na gale warning sa anumang baybayin ng bansa.
Sinabi pa ni Ordinario na walang low pressure area (LPA) o bagyo na maaring mabuo o pumasok sa Philippine Area of Responsibility (PAR) sa susunod na tatlong araw.
Bunsod nito, magiging maayos aniya ang lagay ng panahon hanggang weekend.
MOST READ
LATEST STORIES