Nagkaroon kasi ng landslide, road cut, at soil collapse sa mga apektadong kalsada.
Sa ulat ng Department of Public Works and Highways (DPWH) Bureau of Maintenance hanggang 6:00, Huwebes ng umaga (Agosto 25), tatlong kalsada sa CAR, habang tig-isa sa Region 2 at Region 4-A ang hindi pa maaring daanan ng mga motorista.
Kabilang sa mga apektadong kalsada sa CAR ang Kennon Road dahil sa safety reasons; Claveria-Calanasan-Kabugao Road sa Namaltugan, Calanasan, Apayao dahil sa road cut at soil collapse; at Mt. Province – Ilocos Sur via Tue sa Tadian, Mt. Province bunsod naman ng rock collapse.
Sarado pa rin ang Cabagan-Sta. Maria Road, Cabagan Overflow Bridge sa Isabela dahil sa high water elevation; at ang Sagbat Pililla Diversion Road in Baras, Rizal bunsod ng landslide.
Sa ngayon, naayos na ng DPWH Quick Response Teams kung kaya muli nang binuksan ang anim na road sections sa mga nabanggit na rehiyon.