Order of Sikatuna, iginawad ni Pangulong Marcos kay Amb. Artemiz Sümer

Photo credit: Pres. Bongbong Marcos/Facebook

Iginawad ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. ang Order of Sikatuna na may ranggong Datu (Grand Cross) Silver Distinction kay outgoing Turkish Ambassador to the Philippines Artemiz Sümer.

Ibinigay ng Pangulo ang pagkilala kay Sümer kasabay ng kaniyang farewell call sa Palasyo ng Malakanyang, araw ng Huwebes (Agosto 25).

Nagpasalamat ang Pangulo kay Sümer sa mga ginagawang hakbang upang mapaigting ang pagkakaibigan ng Pilipinas at Turkey.

“We are grateful for Ambassador Sümer’s efforts to strengthen ties between Türkiye and the Philippines. We also wish her well as she completes her tour of duty in the Philippines,” saad ng Pangulo sa kaniyang Facebook post.

Read more...