Tapos na ang ‘peak’ ng nararanasang COVID 19 wave sa Metro Manila, ngunit sinabi ng OCTA Research, na maaring magpatuloy pa ito hanggang sa susunod na buwan.
Paliwanag ni OCTA Research fellow Guido David may mga kaso pa rin ng hawaan sa ibang bahagi ng bansa.
“Based on the numbers we are seeing, the peak is over in the National Capital Region,” sabi ni Guido sa isang panayam sa telebisyon, dagdag pa niya; “It occurred first week of August. So now we are seeing a two-week decline from the first week up until now.”
Dagdag pa niya sa dalawang linggong nakalipas, nakakapagrehistro na ng negative growth rate.
“The current growth rate is at -17%, indicating a decrease in infections,” dagdag pa ni David.
Kaugnay naman sa mga naitatalang bagong kaso, ang paliwanag ni David ay maaring dahil sa humihinang bisa ng bakuna, mababang bilang ng nagpaturok ng booster shot at maari din aniya na bunga ito ng subvariants ng sakit.