Para sa mas maayos at epektibong sistemang-panghustisya, nais ni Senator Christopher Go na madagdagan ang dibisyon sa Court of Appeals (CA).
Kailangan lang aniya ay maamyendahan ang BP 129 o ang Judiciary Reorganization Act.
Paalala lang niya karapatan ng bawat akusadong Filipino ang mabilis na paglilitis at disposisyon ng kanyang kaso.
Paliwanag niya sa kanyang panukala ay maiiwasan ang matagal at pagkakaantala sa pagbibigay ng hustisya.
Aniya maraming kaso na natatagalan ang pagbibigay hatol dahil sa mga hindi inaasahang pangyayari kayat nadedehado ang mga akusado.
Sinabi nito na kailangan ang re-structuring ng CA dahil sa ‘backlog’ ng mga kaso.
Binanggit nito ang napakatagal na itinakbo ng paglilitis ng Maguindanao massacre.
MOST READ
LATEST STORIES