Napili si Senator Alan Peter Cayetano bilang bagong ‘minority leader’ sa Commission on Appointmets (CA).
Agad din nanumpa sa CA plenary session si Cayetano kay Senate President Juan Miguel Zubiri, na siya naman namumuno sa makapangyarihang appointments body.
Nilinaw naman ni Cayetano na nanatili siyang kasapi ng ‘independent’ minority bloc sa Senado at CA.
Si GP Partylist Rep. Jose Padiernos ang nag-mosyon para maiboto si Cayetano bilang minority leader ng CA.
Pinasalamatan din agad si Senate Deputy Minority Leader Risa Hontiveros at sinabi na makikikipagtulungan siya sa senadora at sa iba pang miyembro ng komite.
“There’s so much work to be done and I hope to be working with everyone. Not only with the minority, but also with the majority,” ani Cayetano.