Naobserbahan ng Department of Health (DOH) ang paglobo ng bilang ng mga severe at critical COVID 19 cases sa bansa sa mga nakalipas na linggo.
Ayon kay DOH officer-in-charge Maria Rosario Vergeire, ang pagtaas ng bilang ang naobserbahan nilang ‘trend.’
Nilinaw naman niya na hindi pa rin lumalagpas sa 10% threshold o 1,000 cases.
Hanggang noong Agosto 21, ang mga pasyente na nakakaranas ng critical o severe symptoms ay 811 at ang pagtaas ay naobserbahan sa nakalipas na apat na linggo.
Ibinahagi din ni Vergeire na 60 porsiyento ng mga kaso ay ‘unvaccinated’ o ‘partially vaccinated.’
Higit 72 milyong Filipino na ang fully vaccinated, samantalang 17 milyon na ang nakapagpaturok ng booster shots.
MOST READ
LATEST STORIES