3 patay sa “purging” ng 19-anyos na lalaki sa Indiana

 

Indianapolis Metropolitan PD

Isang 19-anyos na lalaki sa Indiana ang inakusahang pumatay sa tatlong katao sa loob lamang ng apat na araw.

Mistula pa di umanong ibinase ang serye ng mga pag-atake sa pelikulang “The Purge.”

Nakatakda nang maganap Huwebes, oras sa Indianapolis, ang unang pagdinig sa mga kasong murder, robbery at iba pang kasong kriminal laban sa suspek na si Jonathan Cruz.

Ayon sa mga pulis, binaril ni Cruz ang dalawang biktima na sina Billy Boyd at Jay Higginbotham noong May 12, habang ang ikatlong biktimang si Jose Ruiz ay pinatay niya naman noong May 15.

Ayon naman sa mga prosecutors, posibleng mahatulan ng habambuhay na pagkakakulong si Cruz, at inilarawan pa nila ang mga krimen na “100 percent random” o walang basehan at koneksyon sa isa’t isa.

Base sa mga dokumento ng korte, isang testigo ang nagsabi na sinabi sa kaniya ni Cruz na siya ay nagsasagawa ng “purging,” katulad ng ginagawa sa pelikulang “The Purge” na pinagbidahan ni Ethan Hawke noong 2013.

Sa nasabing pelikula, mayroong 12-oras kung saan maari kang gumawa ng anumang uri ng krimen nang hindi ka makukulong.

Kasalukuyan nang nakakulong si Cruz dahil naman sa isang kasong hindi konektado dito.

Read more...