‘Magbi-behave ako ‘pag Pangulo na ako’ – Duterte

 

Inquirer file photo

Sa ngayon, ninanamnam pa ni President-elect Rodrigo Duterte ang mga nalalabing araw bago siya mahalal bilang Pangulo ng bansa.

Ayon kay Duterte, sinusulit na niya ang mga natitira pang araw na maari siyang maging natural niyang sarili na may gaspang ang ugali, panay biro at palamura.

Pero pangako ni Duterte, sasailalim siya sa ‘metamorphosis’ pagkatapos niyang manumpa bilang pangulo ng bansa sa katapusan ng Hunyo.

Aniya sa mga tao, maghintay-hintay lamang sila dahil hindi pa naman siya presidente ngayon, ngunit ibang storya naman na kapag nanumpa na siya dahil magkakaroon na ng malaking pagbabago sa kaniya.

Mula aniya sa isang alkaldeng matabil ang dila, magbabago na siya patungo sa pagiging isang pinuno ng bansa.

Pangako pa niya, magiging “behaved” na siya kapag siya ay opisyal nang pangulo ng bansa.

Read more...