Panalangin para sa krisis sa West Philippine Sea

soc-villegas
Inquirer file photo

Nanawagan ang Catholic Bishops Conference of the Philippines o CBCP sa mamamayan na magdasal ng ‘Oratio Imperata’ o Obligatory Prayer kaugnay ng krisis na kinakaharap ng Pilipinas sa West Philippines Sea.

Ginawa ni CBCP President Archbishop Socrates Villegas ang apela matapos ang tatlong araw na plenary assembly ng CBCP.

Ayon kay Villegas, kinakailangang makialam ang Simbahang Katolika sa isyu dahil sa posibilidad na tumindi ang tensyon sa pinag-aagawang teritoryo at manganib ang kapayapaan.

Binigyang-diin ng Arsobispo na kapayapaan ang siyang pangunahing misyon ng Simbahan.

Wala umanong kakayahan ang Simbahang Katolika na makipagnegosyasyon sa mga superpower o makapangyarihang bansa o di kaya ay katawanin ang Pilipinas sa International Court, pero maari naman nilang hilingin sa Panginoon na pangalagaan ang Pilipinas.

Sa ‘Oratio Imperata’, kasama sa ipinagdarasal ang kaligtasan ng mga Pilipino mula sa man-made disaster, pati na ang marine environment.

Kasabay din nito ang apela na ipadala ng Panginoon ang Holy Spirit sa ating mga pinuno para malutas ang krisis sa West Philippine Sea./Ricky Brozas

Read more...