Chicken shipment na walang sanitary, import permits hinarang ng BOC

BOC photo

Hinarang ng Bureau of Customs (BOC) – Port of Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang isang shipment na naglalaman ng processed chicken meat noong Agosto 17.

Ayon sa ahensya, walang sanitary at import permits ang naturang kargamento.

Sinuri rin ng BOC ang check-in baggage ng Vietnamese passengers na sakay ng carrier ship bago dinala ang 16 kilo ng processed chicken meat sa Bureau of Animal Industry (BAI).

Naglabas din ang Veterinary Quarantine Services office ng Notice of Violation laban sa importer.

Iginiit ni District Collector Carmelita Talusan na lahat ng meat at meat products ay dapat mayroong kinakailangang permits at clearances mula sa BAI bago ang importasyon.

Tiniyak ng Port of NAIA na mas magiging mahigpit sila upang maprotektahan ang bansa sa pamamagitan ng inilabas na Customs Memorandum Circular 110-2022, kabilang ang listahan ng agricultural products na na-ban ng Department of Agriculture (DA).

Mula Enero hanggang Hulyo 2022, nakumpiska ng BOC – Port of NAIA ang 1,176.2 kilo ng meat products mula sa mga pasahero sa ibang bansa.

Read more...