Pasok sa Korte Suprema, suspendido sa Agosto 24 dahil sa #FloritaPH

Photo credit: @SCPh_PIO/Twitter

Suspendido ang pasok sa Korte Suprema sa araw ng Miyerkules, Agosto 24.

Sa memorandum order no. 132-2022 ni Chief Justice Alexander Gesmundo, ito ay kasunod ng anunsiyo ng Office of the President na pagsuspinde ng trabaho sa gobyerno at klase sa lahat ng pampublikong paaralan sa Metro Manila, Laguna, Cavite, Rizal, Bulacan, Zambales, at Bataan dahil sa inaasahang pananalasa ng Severe Tropical Storm Florita.

“The suspension will prevent any untoward incidents and will ensure safety of the Justices, officials and employees,” dagdag ni Gesmundo.

Inilabas ng SC Public Information Office ang memorandum ni Gesmundo.

Read more...