#FloritaPH napanatili ang lakas; Nasa bisinidad na ng Alcala, Cagayan

DOST PAGASA satellite image

Napanatili ang lakas ng Severe Tropical Storm Florita habang nasa bisinidad ng Alcala, Cagayan.

Ayon sa PAGASA, taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 110 kilometers per hour malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 185 kilometers per hour.

Kumikilos ang bagyo sa bilis na 20 kilometers per hour sa direksyong Kanluran Hilagang-Kanluran.

Bunsod nito, nakataas ang tropical cyclone wind signal sa mga sumusunod na lugar:

Signal no. 3:
– Northern portion ng Ilocos Norte (Adams, Dumalneg, Bangui, Burgos, Pasuquin, Vintar, Pagudpud, Carasi, Bacarra, Piddig), Apayao, the southern portion of Babuyan Islands (Camiguin Is., Fuga Is., Dalupiri Is.)
– Mainland Cagayan
– Northeastern portion ng Isabela (Palanan, Divilacan, Maconacon, San Pablo, Tumauini, Cabagan, Santa Maria, Santo Tomas, Delfin Albano, Ilagan City, San Mariano)

Signal no. 2:
– Nalalabing parte ng Babuyan Islands
– Nalalabing parte ng Isabela
– Quirino
– Northern at eastern portion ng Nueva Vizcaya (Quezon, Diadi, Bagabag, Villaverde, Solano, Kasibu)
– Abra
– Kalinga
– Mountain Province
– Ifugao
– Northern portion ng Benguet (Buguias, Bakun, Mankayan, Kibungan)
– Nalalabing parte ng Ilocos Norte
– Ilocos Sur
– Northern portion ng Aurora (Dilasag, Casiguran, Dinalungan, Dipaculao)

Signal no. 1:
– Batanes
– Nalalabing parte ng Nueva Vizcaya
– Nalalabing parte ng Benguet
– La Union
– Eastern portion ng Pangasinan (Santo Tomas, Villasis, Mapandan, Mangaldan, San Fabian, San Jacinto, Manaoag, City of Urdaneta, Rosales, Balungao, Umingan, San Quintin, Natividad, San Nicolas, Tayug, Santa Maria, Asingan, San Manuel, Binalonan, Sison, Pozorrubio, Laoac, Dagupan City)
– Northeastern portion ng Tarlac (San Manuel, Anao)
– Nueva Ecija
– Nalalabing parte ng Aurora

Babala ng PAGASA, makararanas ng malakas na buhos ng ulan sa Cagayan kasama ang Babuyan Islands, Isabela, Cordillera Administrative Region, Ilocos Region, Zambales, at Bataan.

Katamtaman hanggang sa malakas na pag-ulan naman ang iiral sa northern portion ng Aurora, Tarlac, Pampanga, Bulacan, Metro Manila, Cavite, Rizal, and the rest of Cagayan Valley.

Makararanas naman ng mahina hanggang katamtamang pag-ulan sa nalalabing parte ng Central Luzon at CALABARZON.

Dahil sa naturang bagyo at Southwest Monsoon o Habagat, nananatili ang gale warning sa seaboards ng Northern at Central Luzon, karamihan sa seaboards ng Southern Luzon, at maging sa western seaboard ng Visayas.

Patuloy na kikilos ang bagyo pa-Hilagang Kanluran o Kanluran Hilagang-Kanluran at maaring dumaan sa mainland Cagayan at Apayao.

Base sa forecast track, lalabas ang bagyo ang Philippine Area of Responsibility (PAR) sa Miyerkules ng umaga, Agosto 24.

Read more...