Telcos, pinaghahanda ng NTC sa mga lugar na apektado ng #FloritaPH

Inatasan ng National Telecommunications Commission (NTC) ang lahat ng public telecommunications entities na tiyakin ang kahandaan sa pinsalang maaring idulot ng bagyong Florita.

Sa inilabas na memorandum ni NTC Commissioner Gamaliel Cordoba, iniutos nito ang pagtitiyak na mayroong sapat na bilang ng technical at support personnel, stand-by generators na may extra fuel, at iba pang gamit sa mga lugar na tinamaan ng bagyo.

Iniutos din ni Cordoba na madaliin ang repair at restoration ng telecommunication services kung mayroong naapektuhan ng bagyo.

Kasabay nito ay inatasan din ang mga network company na magtalaga ng Libreng Tawag at Libreng Charging Stations sa mga apektadong lugar.

Read more...