Ilang korte, nagsuspinde na rin ng pasok dahil sa #FloritaPH

Kuha ni Jan Escosio/Radyo Inquirer On-Line

Sinuspinde na rin ang pasok sa ilang korte sa bansa dahil sa dalang ulan ng Bagyong Florita sa araw ng Martes, Agosto 23.

Ayon sa Supreme Court Public Information Office, suspendido ang pasok sa tarabaho sa mga sumusunod:
– Lahat ng korte sa Vigan City, Ilocos Sur
– RTC at MTCC Santiago City, Isabela
– MCTC Cordon-Dinapigue
– MCTC Ramon-San Isidro, Isabela
– Lingayen, Pangasinan Hall of Justice

Wala na ring pasok ang Hall of Justice San Mateo, Rizal at MTC ng Montalban, Rizal simula 12:00, Martes ng tanghali.

Simula naman 2:00 ng hapon ang suspensyon ng pasok sa RTC Dinalupihan, Bataan at MCTC Dinalupihan-Hermosa, Bataan at Hall of Justice.

Read more...