Kakapusan sa nutrisyon ng mga mag-aaral pinuna ni Sen. Sonny Angara

 

Para mapangalagaan ang kalusugan ng mga batang mag-aaral, hiniling ni Senator Sonny Angara na mapalawak ang feeding program sa mga paaralan.

Itinutulak ni Angara sa Senado na maisama na maging ang mga  junior at senior high school students sa school-based feeding program.

Base sa inihain na panukala ni Angara, nais nitong maamyendahan ang RA 11037 o ang ‘Masustanyang Pagkain para sa Batang Pilipino Act,’ na limitado lamang sa mga nag-aaral sa public day care, kindergarten hanggang elementary students.

Paliwanag ng senador maraming high school students ang kinakapos din sa nutrisyon dahil sa labis na kahirapan.

Binanggit nito na base sa ulat ng World Bank, halos tatlong dekada ng hindi bumuti ang ‘under nutrition’ sa mga batang Filipino.

Read more...