Kapakanan ng media, entertainment workers nais mapangalagaan ni Sen. Bong Go

Screengrab from Sen. Christopher Go’s Facebook video

Gusto ni Senator Christopher Go na magkaroon ng maigting na proteksyon, seguridad at dagdag na benepisyo ang mga media at entertainment workers.

Sa Senate Bill 1183 na inihain ni Senator Christopher Bong Go o ang “Media and Entertainment Workers’ Welfare Act”, isinusulong na mabigyan ng dagdag na health insurance package, overtime at night differential pay at iba pang benepisyo ang mga manggagawa sa media at entertainment industry.

Nakasaad din sa panukala ang guidelines para sa oras ng pagtatrabaho sa sektor na walong oras at hindi lalagpas sa 12 oras at para sa mga bata ay kailangan ay alinsunod sa Republic Acts 7610 at 9231.

Sabi pa ni Go dapat ay mayb hazard pay ang media workers na ipapadala sa mga delikadong lugar at dapat ay bigyan din sila ng death at disability benefits.

Dagdag pa ng senador dapat ay obligahin din ang mga employers na bayaran ang pagpapagamot at pagpapaospital ng isang media worker na nagkasakit o naaksidente habang ginagawa ang trabaho.

Dapat din aniya bumuo ang Department of Labor and Employment (DOLE)  ng industry tripartite council para sa entertainment at news media.

Ito aniya ay pagpapahalaga sa papel na ginagampanan ng mga media at entertainment workers sa lipunan at ekonomiya.

Read more...