Lalo pang lumalakas at nag-landfall na ang Bagyong Florita sa Maconacon, Isabela.
Base sa 11:00 a.m. advisory ng Pagasa, kumikilos ang bagyo sa north northwestward direction sa bilis na 20 kilometers per hour.
Taglay ng bagyo ang hangin na 110 kilometers per hour at pagbugso na 150 kilometers per hour.
Nakataas ngayon ang Tropical Cyclone Wind Signal Number 3 sa northern portion ng Ilocos Norte (Pagudpud, Dumalneg, Adams, Bangui, Burgos), Apayao, southern portion ng Babuyan Islands (Camiguin Islands, Fuga Islands, Dalupiri Islands), mainland Cagayan, northeastern portion ng Isabela (Palanan, Divilacan, Maconacon, San Pablo, Tumauini, Cabagan, Santa Maria, Santo Tomas, Delfin Albano, Ilagan City, San Mariano)
Nakataas naman ang Tropical Cyclone Wind Signal Number 2 sa natitirang bahagi ng Babuyan Islands, natitirang bahagi ng Isabela, Quirino, northern at eastern portion ng Nueva Vizcaya (Quezon, Diadi, Bagabag, Villaverde, Solano, Kasibu), Abra, Kalinga, Mountain Province, Ifugao, northern portion ng Benguet (Buguias, Bakun, Mankayan, Kibungan), natitirang bahagi ng Ilocos Norte, Ilocos Sur, at northern portion ng Aurora (Dilasag, Casiguran, Dinalungan, Dipaculao).
Nakataas naman ang Tropical Cyclone Wind Signal Number 1 sa Batanes, natitirang bahagi ng Nueva Vizcaya, natitirang bahagi ng Benguet, La Union, eastern portion ng Pangasinan (Santo Tomas, Villasis, Mapandan, Mangaldan, San Fabian, San Jacinto, Manaoag, City of Urdaneta, Rosales, Balungao, Umingan, San Quintin, Natividad, San Nicolas, Tayug, Santa Maria, Asingan, San Manuel, Binalonan, Sison, Pozorrubio, Laoac, Dagupan City), the northeastern portion of Tarlac (San Manuel, Anao), Nueva Ecija, at natitirang bahagi ng Aurora.
Bukas gn umaga, inaasahang nasa bisinidad ng Basco, Batanes ang bagyo.