Halos umabot sa P5.8 bilyon ang halaga ng ibat-ibang droga na nakumpiska ng pambansang-pulisya sa mga ikinasang operasyon sa loob lamang ng dalawang buwan.
Ito ang ibinahagi ni PNP Chief Rodolfo Azurin at aniya ito ay base sa datos mula sa PNP Drug Enforcement Group.
Nagbunga din ang mga operasyon mula Hulyo 1 hanggang nitong Agosto 20 nang pag-aresto sa 8,934 indibiduwal.
May 805.63 kilos ng shabu ang nakumpsika, gayundin ang 83.33 kilo ng marijuana at 34 taniman ng marijuana ang sinira.
Binanggit niya na sa mga ikinasang operasyon halos walang naging marahas na insidente maging sa mga pagkakataon na armado ang mga suspeks.
“It should be worthy to note that the objective of law enforcement to effect arrest of the offender has been satisfied in these operations with only barest minimum application of reasonable and necessary force, and consistent with requirements of transparency thru digital recording, presence of witnesses, and proper authority of operating units,” diin ng hepe ng pambansang pulisya.