Hiniling ni Senate Majority Leader Joel Villanueva na tumaas ang allowances ng mga teaching and non-teaching personnel sa mga pampublikong paaralan, gayundin sa iba pang learning institutions ng gobyerno.
Aniya ang dagdag sa allowances ay pangtustos sa mga pangunahing pangangailangan, maging sa medical at transportation expenses ng mga guro ngayon nagsimula na muli ang mga klase.
Naghain ng dalawang panukala si Villanueva, una ay para mabigyan ng grocery, medical at transportation allowances ang teaching at non-teaching personnel sa public schools.
Sa Senate Bill 565 katulad na mga allowances ang nais ng senador na maibigay sa mga teaching personnel sa state colleges and universities (SUCs) at government technical-vocational institutions.
Paliwanag ni Villanueva nais lang naman niyang maiangat ang kondisyon ng pamumuhay ng mga public school educators.
Katuwiran niya napakabigat ng mga responsibilidad ng mga guro.