Walang pasok sa eskwela at trabaho sa Ilocos Norte

Walang pasok sa eskwelahan at tanggapan ng gobyerno sa Ilocos Norte.

Ito ay dahil sa patuloy na pananalasa ng Bagyong Florita.

Base sa abiso ni Ilocos Norte Governor Matthew Marcos Manotoc, walang pasok sa lahat ng antas ng eskwelahan sa Ilocos Norte sa pampubliko at pribado.

Wala ring pasok sa lahat ng government agencies sa Ilocos Norte maliban na lamang ang mga first responders tuwing may kalamidad gaya ng medical at rescue teams.

Sa ngayon, nasa Signal Number 2 ang Ilocos norte.

Pinapayuhan ang mga apektadong residente na mag-ingat.

 

Read more...