DSWD handa nang mamahagi ng relief goods sa mga biktima ng Bagyong Florita

 

(Courtesy: DSWD Secretary Erwin Tulfo)

Nakatutok na ang Department of Social Welfare and Development sa mga lugar na sinasalanta ng Bagyong Florita sa Regions 1 at 2.

Ayon kay DSWD Secretary Erwin Tulfo, naipadala na ang mga relief goods sa mga regional at provincial offices ng DSWD.

Nakahanda na aniya ang mga tauhan ng DSWD na ipamahagi ang food at non-food items saa mga evacuation centers.

Mayroon din aniyang mga relief goods ang ipamimigay sa mga mayor at governor na humingi ng ayuda.

Hinihintay na lamang aniya ng kanilang hanay na humupa ang baha para mabigyan ng relief goods ang mga apektadong residente.

 

Read more...