Sa Tropical Cyclone Bulletin ng PAGASA bandang 11:00 ng umaga, huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 215 kilometers Silangan ng Casiguran, Aurora.
Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 75 kilometers per hour malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 90 kilometers per hour.
Kumikilos ang bagyo sa bilis na 15 kilometers per hour sa direksyong Timog-Kanluran.
Bunsod nito, nakataas ang tropical cyclone wind signal sa mga sumusunod na lugar:
Signal no. 2:
– Eastern portion ng Cagayan (Enrile, Tuguegarao City, Peñablanca, Iguig, Baggao, Gattaran, Lal-Lo, Gonzaga, Santa Teresita, Buguey, Santa Ana)
– Eastern portion ng Isabela (Cabagan, San Pablo, Santa Maria, Maconacon, Divilacan, Palanan, San Mariano, Ilagan City, Delfin Albano, Tumauini, Santo Tomas, Quezon, Mallig, Roxas, Quirino, San Manuel, Aurora, Cabatuan, Luna, Burgos, Gamu, Reina Mercedes, City of Cauayan, Alicia, San Isidro, Echague, Jones, San Agustin, San Guillermo, Angadanan, Naguilian, Benito Soliven, Dinapigue)
– Extreme northern portion ng Aurora (Dilasag, Casiguran)
– Northeastern portion ng Quirino (Maddela)
Signal no. 1:
– Nalalabing bahagi ng Cagayan
– Nalalabing bahagi ng Isabela
– Nalalabing bahagi ng Quirino
– Nueva Vizcaya
– Apayao
– Abra
– Kalinga
– Mountain Province
– Ifugao
– Benguet
– La Union
– Ilocos Norte
– Ilocos Sur
– Northern portion ongf Aurora (Dinalungan, Dipaculao, Baler, Maria Aurora, San Luis)
– Northern portion ng Polillo Island (Panukulan, Burdeos)
Sinabi ng PAGASA na asahan ang mahina hanggang katamtaman na kung minsan ay malakas na pag-ulan sa Cagayan, Isabela, Batanes, Aurora, Ilocos Norte, Ilocos Sur, at La Union.
Ibinabala ng weather bureau na maaring magdulot ang pag-ulan ng pagbaha at landslide.
Base sa forecast track, mananatili ang tatahaking direksyon ng bagyo hanggang sa mag-landfall sa bisinidad ng east coast ng Cagayan o northern Isabela sa Martes ng hapon, Agosto 23.