Base sa huling datos ng Department of Education (DepEd) hanggang 7:00, Lunes ng umaga (Agosto 22), kasabay ng unang araw ng face-to-face classes, nasa 28,035,042 ang kabuuang bilang ng mga estudyante na nag-enroll.
Katumbas ng 101.72 porsyento o higit pa sa naitalang datos mula sa enrollment noong School Year 2021-2022.
Pinakamaraming estudyante na nakapagtala sa Region 4-A na umabot sa 3,826,697 at sinusundan ng Region III (2,903,610), at National Capital Region (2,717,755).
Mula rin sa nasabing datos, 23,905,615 ang mula sa enrollment quick counts habang 4,129,427 ang bilang ng mga mag-aaral mula sa early registration.
MOST READ
LATEST STORIES